wahehehe! you can do it!
One thing:
Tandaan mo lang na ang lahat ng kritisismo na maririnig mo (sa pag gawa, o kahit saang bagay) ay sinasabi upang hamunin ka na gumawang mas maganda pa kesa sa kaya mong magawa ngayon.
Ang mga tao, pag nakarinig ng critizism may tatlo na hahantungan...
1. Yung taong hindi nakikinig. Madalas kung ano ang nagagawa nya nung 3 years old siya (exaggerated) eh ganun pa din ang ginagawa nya ngayon. Stagnant, walang improvement, pangit... dahil kung hindi mo kayang i "upgrade" ang gawa mo, sarili mo (o kaisipan mo tungkol sa mga bagay bagay). Maiiwanan ka ng panahon.
2. Yung mga taong pag nasabihan ng critizism na pangit o mali ang gawa nila, o kaisipan nila, humihinto na. Ayaw na ulit gawin yun o itama yun. (no further explination).
3. Yung marunong mag adjust... Natutututo sa kamalian at ppinipilit lagpasan ang kakayahan nya, o ang nalalaman nya. (self explinatory)
Ang tanong dito, nasan ka sa 3 na yan? You can't please everybody, pero ang pinakamagandang magagawa mo ay ang balanseng gawa.
Kahit gaano kaganda ang ginawa mo, may "fault" pa rin dun, may mali o sabihin na nating may kapangitan.
Dahil yun ang magpapaalala sayo na ilagay mo ang paa mo sa lupa dahil hindi pa iyon ang "pinaka.." dahil laging may "mas..." (e.g. "Eto na ang PINAKA magandang magagawa ko..." "MALI! May magagawa kang MAS maganda pa dyan dahil may kakayahan ka pang umangat sa kinalalagyan mo ngayon.")
Tapos na po ang sermon ko ahehehe *Bow*
Edited:
Sample lang ito ng magagawa mo pag nilalaro laro mo yung mga programs.
Wag nyo tong gamitin dahil gusto ko makabuo ka ng sarili mong concept onid. Yun ang hamon sayo ngayon..

May sarili akong concept, alam kong meron ka din. Eto "tricked out Flag type" na banner, gawa sa MS Paint yung border nya, at edited sa Photoshop (pinagtagpi tagping kulay para mag mukhang flag, yung star nilagay ko din, and recognize the sun? an yung nandun sa banner natin ngayon. Yung mga fonts nakuha ko sa net). Again sample lang ito para ma inspire ka.


Ngayon ko lang naisip.. bakit nga ba di ganito ang ginawa kong banner para sa forum..
Sagot: Kasi ngayon ko lang naisip tong concept na to... Maganda naman ata ang kinalabasan
