mula ngayon july 7, lunes, meron na lang tayong humigit kumulang 40 days,
na natitira at hindi ko ibinilang ang sabado at linggo para sa konserbatibong approach,
hanggang sa katapusan ng agosto kung saan marapat ay tapos na ang
pagbabalangkas ng unang opisyal na manipesto ng kp kung saan maglalaman ng
1. depinisyon ng kp
2. sino sino ang kp
3. pananaw ng kp
4. misyon at tunguhin ng kp
5. istruktura ng kp
6. paraan ng pagkilos ng kp
7. polisiya at administratibong usapin ng kp
(magdagdag kung may nakalimutan ako).
upang maisakatuparan ang pagbabalangkas iminumungkahi ko ang ganitong
proseso---
1. himayin ang mga sagot sa thread ng "future ng kp" sa kategorya kung ang
mga salita ng pagsasalarawan ay tumutukoy sa mga kategorya sa itaas o kung
saan man ito pwedeng ihanay.
(gagawin ko na ito.)ang mga lalamanin ng mga nasabing kailangang maibalangkas ay huhugutin at
uugat mula sa historikal na kasaysayan ng kp at sa mga sagot sa thread na
pinasinaya ko (waloako) dito. (sumagot na sana ang hindi pa sumasagot).
bagaman mungkahi kong huwag isara ang thread na ito at ipagpatuloy ang
pagsagot kahit sa mga dadating pa na bagong kasama, kailangan kong
itakda na ang mga sagot lang na umabot hanggang sa katapusan ng biyernes,
july 11, 12mn oras sa pilipinas, ang siyang mga sagot lamang na aking
hihimayin at ipapasa ng nakahimay na sa STYLING COMMITTEE, hihimayin ko
ito sabado at linggo ng gabi ko ipopost para masimulan sa lunes ng july 14.
ang takdang bilang para sa pagbabalangkas ng first draft.
2. magkaruon ng meeting ang STYLING COMMITTE. suhestiyon ni zai, YM ang meeting.
3. dadaan sa 3 sala, 1st draft, 2nd draft, final.
may limang araw na laan para sa drafting, limang araw sa pagpopost sa KP
para sa komento ng general membership. kung kaya may 10 araw talaga sa bawat
draft o sa kabuoan matatapos dapat ito sa loob lamang ng 30 araw.
magreply sa thread na ito ng mga nais na maging bahagi ng styling committe,
pero dapat may oras siyang magym ng at least isa hanggang dalawang oras man lamang,
handa sa komitment nang pagbibigay ng kanyang buong puso sa gawaing nakalatag,
at may dedikasyon matapos ito sa nasabing mga panahon.
hindi ko alam kay PA kung maglalagay siya ng kwalipikasyon halimbawa gaya ng
kung ilang post requirement para maging bahagi nito (patay wag taasan at una akong
maliligwak hehehe).
bago mag huwebes, july 10, kailangan makapagsabi na ang mga nais maging
bahagi ng styling committee, sa thread na ito. para mapagaralan ni PA, at si PA,
ang magpopost sa thread ng final list ng Styling Committee. ang pipiliin ay batay na
sa discretion ni PA, basta di lalagpas
sana sa 7 tao. kahit 5 o 6. PA problema mo na yan!
kung hindi mapipili sa styling committee, huwag magtatampo, magaassign din si PA,
para sa EVENTS COMMITTEE naman na mamahala sa planning ng Anniversary EB, na
dapat ay nagpupulong na din ng simultaneous. kasabay ng pagpupulong ng SC (styling
committee).
pwedeng ang nasa SC ay maging bahagi din ng EC basta huwag lang magcoconflict sa
mga ym meeting subalit priority ng SC na upuan ang kanyang trabaho bago makigulo sa
mga EC.
magbibigay ako sa hiwalay na thread tungkol naman sa ating ANNIVERSARY EB.
^________^
shoot ba? kaya ba? tiratira! aja!
_________________
