kABaTAanG pINoy

kiLOs kaBAtAaN... kAiLaNgaN Ka nG baYAn!
Home­Portal­Gallery­Arcades­Register­Log in­Search­FAQ
Latest topics
» Jhuly is here!!!
November 23rd 2009, 8:45 pm by silip_lang

» Lunga ng isang Otes
November 23rd 2009, 8:38 pm by silip_lang

» Christening Day of Zai's Son!!
November 20th 2009, 12:47 pm by silip_lang

» ***General life discussion***
November 20th 2009, 12:31 am by James307

» Magpakatotoo ka brader! (Panahon natin to')
November 20th 2009, 12:28 am by James307

» Cebu 14 Hrs Hands On Internet Marketing Workshop Dec 12-13
November 18th 2009, 6:16 pm by ultradust

» For President
November 18th 2009, 10:11 am by taga bombo

» Login
November 17th 2009, 3:51 pm by darkuranus

» Happy Birthday!!
November 16th 2009, 1:04 pm by belle

» Kerygma Conference 2009: Dream Big, Win Big!
November 13th 2009, 4:57 pm by ultradust

» DIARY
November 13th 2009, 9:29 am by belle

» set free..
November 13th 2009, 1:46 am by notyourordinarygirl

» check this out...~sHen shEn~
November 13th 2009, 1:41 am by notyourordinarygirl

» >>gelay<<
November 12th 2009, 7:31 pm by silip_lang

» Logout
November 11th 2009, 9:22 pm by darkuranus

» me, Belle, at Ako c",)
November 11th 2009, 9:02 pm by darkuranus

» Pasilip po!
November 8th 2009, 5:08 pm by silip_lang

» help plsssssss......
November 7th 2009, 3:49 pm by darkuranus

» hoy magsalita ka nga..
November 7th 2009, 3:47 pm by darkuranus

» musta n MARK? ^^.
November 7th 2009, 3:44 pm by darkuranus

» Darkuranus...eepal nanaman po
November 7th 2009, 3:42 pm by darkuranus

» Maray na aldaw sa indo gabos!Have a nice day to all of you
November 7th 2009, 3:41 pm by darkuranus

» "I am the WAY, the TRUTH and the LIFE" -Jesus
November 6th 2009, 12:34 pm by James307

» BAHAY NI MALIKOT MAGAGAWA MAGAGAWA!!! MAGAGAWA NA DIN
November 5th 2009, 2:45 am by tagubilin

» "Practice what you preach!..."
October 24th 2009, 2:59 pm by James307

Top posters
Jhuly (7509)
 
belle (4147)
 
gelay (3642)
 
gneth (3561)
 
silip_lang (3544)
 
mark_7th (2434)
 
Lanyag Clara (2237)
 
onid (2229)
 
bantay (2175)
 
dhayan (1656)
 
Poll
My Presidentiable for 2010
De Castro, Noli
4%
 4% [ 2 ]
Estrada, Erap
2%
 2% [ 1 ]
Fernando, Bayani
10%
 10% [ 5 ]
Gordon, Dick
0%
 0% [ 0 ]
Lacson, Ping
14%
 14% [ 7 ]
Legarda, Loren
18%
 18% [ 9 ]
Panlilio, Among Ed
14%
 14% [ 7 ]
Roxas, Mar
6%
 6% [ 3 ]
Escudero, Chiz
24%
 24% [ 12 ]
Villanueva, Eddie
6%
 6% [ 3 ]
Total Votes : 49
Who is Online ?
In total there are 4 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 4 Guests

None

Most users ever online was 24 on September 3rd 2009, 11:30 pm
Statistics
We have 380 registered users
The newest registered user is ericksen

Our users have posted a total of 49842 messages in 857 subjects
Post new topic   Reply to topicShare | 
 

 future ng KP :D

View previous topic View next topic Go down 
Goto page : 1, 2  Next
AuthorMessage
waloako
Senior Member
Senior Member


Female
Dami ng Post: 753
Puntos: 825
Salamat: 1
Lokasyon: diocese ng novaliches
Nagpatala: 2007-09-10

PostSubject: future ng KP :D   June 20th 2008, 6:59 pm

philippine smile mapagpalayang araw sa kabataang pilipino!


susubukan kong maging maikli ang pambungad na pasakalyeng mahalagang salik para sa pangunawa ng kalahatan kung papaanong nailuwal ang ilalatag kong panukala, panukala na nangangailangan ng inyong pagtugon, tinig at partisipasyon.

maikling kasaysayan-- isa ako sa mga nakakakilala ng personal kay PA, pero irerespeto ko ang pagnanais niyang sukluban ng misteryo ang kanyang pagkatao, lalo't epektibo naman ito para siya ay talagang maging ganap na "administrator" ng KP. hehe shy lang talaga siya eh Very Happy kung sisipatin ang link na ito:

http://kabataangpinoy.heavenforum.com/memberlist.forum?username=&mode=joined&order=&submit=Ok

malalaman mong hehe oo nga pangatlo ako sa unang naging bahagi ng munting pangangarap ng KP. oo bansagan mo na akong romantiko o ideyalista, pero ang KP ay hindi basta simpleng lungga, o forum site. ang KP, ay isang pangarap. oo ang KP ay isa ngang pangarap.

si bobong mod pala ang hindi ko kakilala, mukhang bestie ni PA, hehehe, si kuya july kasama yan sa pangangarap namin ni PA, pero, pang 21 nga lang siya eh hehehe nauna pa pala ako sa iyo master july?

simple lang, kami'y mga Kabataang mayPakialam, na nagtitiwala sa Kabataang Pinoy, dahil kami mismo ay Kabataang Pinoy (kahit matanda na sa edad ang ilan pero may puso para sa kabataan, keri pa din yun).

pero hindi na namin nakikita ang mga kabataang ito na nakikialam. hindi na namin nakikita ang mga kabataang ito sa mga tradisyunal na lungga sa paaralan o kalsada o simbahan, meron pa ding mga kabataan dito pero alam naming ang mayorya ng kabataan ay hindi na dito nagkukuta at naglulungga. hinanap namin sila. at nakita namin sila, na nahuhumaling sa mga virtual na mundo, kung saan nakatatakas sila kahit sandali sa reality na hinaharap nila, rpg games gaya ng dota, o mga online houses kung saan, pwede nilang malayang ihayag ang kung sino ang ideyal nilang sarili, hindi ko nilalahat, pero ito ang karamihan. sinubukan namin ni PA, na magkuta din kung saan naruruon ang kabataang pinoy... at kung makapapasok kami sa lungga nila, o makagagawa ng lunggang magugustuhan nila, kung saan papasok sila, tatambay at magpapakatotoo, malalaman namin ang kanilang mga hinaing, saluobin, pinagdadaanan, isyu, karanasan, at hanggat kaya, ay makapaglilingkod kami sa kanila sa paraang pagbibigay ng sagot sa kanilang mga katanungan, o pagiging bukas na tagapakinig, o simpleng maging kamanlalakbay nila... kaibigan, kalaro, kakulitan, kapamilya, kalakbay, kasama.

duon naipanganak ang konsepto ng KP.

pero isa isa lang ang laban sabi namin ni PA. hindi namin hinangad nuon na buohin ito bilang isang pormal na organisasyon. naging masaya na kaming may mga pumapasok, may mga tumatambay, may mga nagtatagal, may mga nagyayaya pa. naging malawak ang naabot ng KP, mula sa qc, nagkaruon ng kaibigan sa makati, cainta, pasig, meron na din sa bataan, sa bulacan, sa leyte, sa cavite, at kung saan saan pang sulok hindi ko na maiisa isa, idagdag mo pa ang mga KP sa kabilang ibayo, gaya ng canada, united kindom, kuwait, at us of a o di ba! magugulat ka e pala kahit sa mars merong KP (ito joke na hehe si casp3r_07). masaya na kami dito, at masaya naman lahat dito.


nagkaruon ng unang eb-- siliplang, xaviour, waloako, jhuly.

itong si siliplang at xaviour ang naglapag ng suhestiyon nuon na magkaruon din ng iba pang gawain ang KP, maliban sa forum... hmmm.

naisip namin nuon ang bataan day, pero dahil naging busy ang lahat at wala namang bumuo talaga ng konkretong plano ayun hindi iyon natuloy, nitong sumunod na eb, nangamusta uli si xaviour, pero ayun, madaming nagagandahan sa plano pero walang isang nagsusulong talaga na uupo at magbabalangkas nito.

ewan ko, pero pagkatapos ng paguusap na ito. habang naaabala ako ng hindi umuusad na dyip. natulala ako at biglang napako ang tingin ko sa isang pananaw na naglaro sa utak ko. magiisang taon na pala ang KP! at hindi birong, lumaki lumawak at lumago na ito. nilagpasan nito ang aming ekspektasyon ni PA, at inabot nito ang aming munting mga pangarap. nakilala namin kayo. dumami tayo. napasaya namin kayo. nalaman namin ang pulso ninyo. ang mga isyung gumugulo sa inyo. at oo naging kasama namin kayo, kalakbay, ang KP ay naging isang pamilya ng hindi natin namamalayan! pero hanggang sa likod lang ba ng tayo ng mga nilikhang personalidad palaging magtatago? o panahon na para may patunayan ang Kabataang Pinoy?

ang realidad ng KP. ang KP ngayon.

hindi ko makuha kung nakakailang milyon (naks) na ang naligaw sa ating pahina, hindi nalagyan ni PA ng hits counter sayang. subalit, mayruon na tayong 19166 posts na nagagawa, mahaba habang usapan din pala ang naganap, na kulitan, tawanan, at seryosong usapan para sa 432 topics na nagawa, tungkol sa napakalawak na mundo ng kabataan, mapahilig na pagkain o tugtog, isyung pampamilya at pangeskwelahan, o pang labiduds, kahit ang mga mabibigat na topic hindi nilalangaw, gaya ng relihiyon, pulitika, bayan, naku eh may nagbusiness na nga dito, sino bang nakabili ng perfume dyan? hehehe. meron na tayong total na 207 users, hellllllooooo kamusta kayo Very Happy pero sa 207 na ito, siguro naman may 30 na aktibo. (sori ako din minsan pasaway nawawala) pero kahit di nagpopost ang marami, malay natin kung nakikibasa naman sila? hindi tuloy masusukat na maliban sa marami nang naliwanagan sa ating mga post eh baka mas marami pa sa alam natin ang talagang naliwanagan nga di ba? Very Happy

ano ibig kong ipunto.

sa ngayon na ang direksyon ng KP bagaman meron ay hindi konkreto ay mayruon na tayong naaabot, hindi naman siguro malayong pangarapin na mas hihigit pa ang maaabot natin kung ito'y lalagyan natin ng direksyon...


hmmmm ano sa tingin ninyo?

napakablangko pa ng mga detalye sa utak ko, pero may maliwanag na akong nailalarawan sa utak ko ng mga posibleng maabot ng KP... pero ayoko kung magisa lang akong mangangarap ng ganito.

sasamahan ninyo ba ako?

ano man ang tugon ito ang mga katanungan ko----

(1) paano mo nalaman ang KP
(kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?

(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?
(future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)


naisip ko na pag nasagot ang katanungang ito, ito ay iipunin at pagaaralan ng mabubuong STYLING COMMITTEE. ito ang komite na magiisip kung paano isasatitik ang mabubuong konkretong pananaw at misyon ng KP. tungkulin nilang isaalang alang ang naunang pangarap ni PA at ng ilang mga nauna dito sa pagbubuo ng pangungusap nila. sila ang gagawa ng mga titik ng ating misyon vision subalit, hindi absoluto ang kanilang magagawa at dadaan ito sa dalawang draft, bago ito ilabas sa buong KP, at ang buong KP ang magdedesisyon kung tanggap nila ito o hindi (ratification).

sino-sino ang styling committee?
hindi pa ito napagdedesisyunan ni PA, pero ibinukas ko ang paglalagay ng kwalipikasyon o karapatan duon sa mga nakasama ko sa eb, at sa lahat ng magbabasa nito ngayon sa pagnonomina ng makakasama sa komite na ito. uulitin ko ha. hindi mga leader ito mga servant leader. hindi para maghariharian pero para maglingkod hehe. sila ba'y dapat may required number of post? (lagot ako), accdg to pag join ba? (pasok ako kung ito hahaha), o yung active sa eb (haha), o mixed of those qualities. naisip ko pwede tayong magnomina, pero para fair, ibigay natin kay PA ang pagdedesisyon kung sino ang styling committee? basta sana mga 5 o anim lang ito. mahirap ang malaking grupo.

timeframe.
sana umabot ang lahat ng sinabi ko bago tayo maganniversary, hindi ba malaking regalo sa buong Kabataang Pinoy ang ating pagkilos at paniniwalang ang Kabataang Pinoy ay may Magagawa?

basta ito ang mananatili, hindi tayo tradisyunal na organisasyon, kaya wag kayong matakot na mahirap magkita kita o magmobilisa, idedesenyo ang organisasyon ayon sa "nature" mismo ng nasimulang forum, hindi ang KP members ang makikiayon sa organisasyon, pero hanggat kaya ang organisasyon ay magiging flexible sa needs ng KP, in fact nagsimula naman sa ganito at naging epektibo ito, bakit iibahin ang format.

ang nasa isip ko siguro ay mga local eb na mangyayari tapos may mga minsan isang taon na malakihang EB, hays basta, mas masaya to.

ano sa tingin ninyo?

sagutin ninyo ako ha... Smile

_________________
Back to top Go down
http://otsopya.multiply.com/
onid
Moderator
Moderator


Male
Dami ng Post: 2229
Puntos: 756
Salamat: 0
Lokasyon: Pasig Philippines
Nagpatala: 2007-10-31

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 20th 2008, 8:00 pm

ang ikli nga hehe...
sagot ko:
(1) paano mo nalaman ang KP
Miyembro ako ng BobongPinoy Yahoo Groups at doon ko nakita ung link na ito, sa aking pagkakaalala ang KP ay may adress dati na BobongPinoy (tama ba ako?) kaya ako naenganyong sumali dito sa Forums na ito.

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

Nasa KP ako kasi andito ung mga taong totoo, at nailalabas ko ang totoong ako.
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
Matatawag ko ang KP na hindi tambayan kundi isang Classroom

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?

OO kasi: nasa baba ang dahilan

(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?

Hindi ako manghuhula, pero sana maging mas malaki at mas kapakipakinabang ang KP para sa mga kabataan na pilipino

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Palagi kong sinasabi sa kaibigan ko, na iba ang tao sa online at sa totoong buhay...
mas makikilala mo ang isang tao kung kayo magkakakilanlan ng personal...
ito ang gusto kong mangyari sa KP, hindi para mawala ang curiosity sa tao, kundi lalo kong maibigay ang buong tiwala ko sa tao, dahil gusto ko silang makasama sa isang organisasyon na alam kong makakatulong sa mga kabataan.
kung magkagayon man ay mapapadalas ang mga EB, teka parang ang salitang EB o Eye Ball ay hindi na magiging angkop para sa mga pagkikita natin, mas maganda kung matawag natin itong Meeting, ngunit sana ay wag nating makita ito bilang isang Obligasyon para umatend Very Happy pero importante parin ang inyong partisipasyon...
*lumalayo ata ako...
Eto na, gusto kong makita ang KP na higit pa sa isang Forums, kumbaga lets take it outside hehe...
sawa na ako sa sasabihin na, magingay, ipaabot ang saloobin, gusto kong gumawa sa tahimik at ligtas na paraan.
gusto kong magfocus sa kabataan (kaya nga kabataang pinoy eh)... minsan naiisip ko na maglakbay sa mga tagong mga bayan, at magkaroon ng konting pagtuturo sa mga bata doon, iniisip ko palang natutuwa na ako O_O
parang sa BobongPinoy Yahoo Groups, ayokong gumawa ng pagkukumpara (anu pa nga ba ang ginawa ko?) Iba ang bobongpinoy iba ang kabataangpinoy yun lang Very Happy
naku po bitin ang aking post...
alas otso na pala hehe...
Last word: Kung ano man ang balak nyo sa KP asahan nyo ako na susuporta at tutulong sa pagtutulak ng inyong mga pangarap para dito Wink

_________________




Back to top Go down
tagubilin
Senior Member
Senior Member


Female
Dami ng Post: 1497
Puntos: 635
Salamat: 1
Lokasyon: super novalichessss!
Nagpatala: 2008-04-12

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 20th 2008, 10:39 pm

ano man ang tugon ito ang mga katanungan ko----

(1) paano mo nalaman ang KP


---> kay onid po nakikita ko kasi sa frendster niya eh.,! at usap usapan din ito sa BP at naliwanagan ako ng husto kay kuya jhuly kung anong meron talaga sa KP at kung paano ito nabuo...!

(kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

------> ang kasimplehan ng KP ang lubos kung nagustuhan.. ang mga topic ay magaganda simpleng mga tanong na sinasagot din naman ng pa simpleng paraan lumawig man ang usapan hindi mo makakakitaan ng bangayan oh ng debate cool lang ang mga tao ... walang nagpapataasan sa ere.. walang nag claim na nasa kanila ang tamang sagot kalimitan kasi sa mga mailing list at ibang forum kung ano ang opnyon nila oh paniniwawala mananatili iyon at isusulong nila hanggang hindi na nagiging healthy ang discussion. Pero dito maayos ang usapan.. at higit sa lahat di pinag uusapan ang sekswalidad hindi sa HINDI open ang mga tao dito patungkol sa bagay na iyon... ang alam ko hindi ito ang tamang forum para doon pass muna sa ganoong usapan.. masarap sa bobong pinoy OO pero iba ang sarap na mararanasan mo sa KP hindi din ako nag kukumpara philippines

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

Wink -------> wala kung maisip na bagay kung anu ang KP sa akin basta ang alam ko TAHANAN ito ng mga kabataang naniniwala pa din na may PAGBABAGO!

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?

----------> OO, pabor ako para sa ikabubuti ng KP

(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?
(future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)

----------> para sa isang malaya at heathy talakayan ng KP.. malayo pa ang mararating nito.. isa pa palang bagay na nagustuhan ko dito singgit ko lang ha.. ang ADMIN NITo ay hindi nilalalayo ang sarili sa mga miyembro nito
di tulad sa ibang forum na parang nakakatakot kausapin ang ADMIN oh amg mga ModS pare-parehas lang naman tayo pero kasi yung iba pag ADMIN sila para sila lahat ang masususnod which is panget.. di ba!! scratch

---------> Para sa susunod na mga proyekto ng KP mas maganda siguro kung magkakaroon ng SYSTEMA oh ng isang COMMITTEE na mag aayos dito...
wala lang naman nasabi ko lang!!!



philippine smile philippine smile philippine smile philippine smile philippine smile philippine smile philippine smile philippine smile philippine smile

----> Hindi ako ganon ka aktibo dito pero asahan niyo nagbababasa naman ako at heto na nga mag aaktib na Very Happy marahil naninibago ako sa forum uulitin ko na naman na nasanay ako sa mailing list! Anut anu pa at matutunan ko lahat ng bagay dito ( tanga lang ata talga ako eh hehe) Sa mga susunod na aktibity natin di sapat na makisang ayon lang oh magbigay ng pananaw oh ng saloobin mas maganda ang PRESENSIYA at pagsasagawa ng mga susunod na activities...

--- > sa ngayon yan na muna anut anu man ang mangyari.. maraming salamat sa inyo philippines


cheers mabuhay tayu!!!!

_________________



Multiply Account

PILIPINAS BUMANGON KA MASARAP MAG ALMUSAL
Back to top Go down
http://ladybarizta.multiply.com/
Xaviour
Junior Member
Junior Member


Male
Dami ng Post: 319
Puntos: 770
Salamat: 0
Lokasyon: Manila
Nagpatala: 2007-11-03

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 21st 2008, 7:37 pm

(1) paano mo nalaman ang KP
(kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).

=> Nalaman ko po dahil sa YG naghahanap lang ako ng links then nakita ko tong forum. Smile

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

=> Enjoy dahil madaming topics, madaming kaibigan, at nalaman ko na madami pa din ang taong nag-iisip ng malalim at maayos. (na dati hopeless na ako na baka wala na.)

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

=> ayon nga kay kuya jhuly.. taga salo ito. hindi man tayo magkakadugo, magkakapatid pa din tayo. at dahil dun may sense tayo ng tulungan at respeto. Smile

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?

=> Pabor ako oo... pero sana hinay hinay lang sa activities, hindi tayo lahat sanay sa pagiging isang org. Kailangan din ng pag build.

Pabor ako dahil mas madami tayong matutulungan at mahuhubog bilang maayos na tao.

Minsan lang naman tayo dadaan sa buhay na ito, kung may maitutulong tayo, gawin na natin.

(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?
(future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)

=> Nakikita ko na tatagal tayo dahil lahat tayo marunong mag communicate at malaking tulong ang EB's sa pagkakakilanlan ng mga tao.

_________________
Back to top Go down
silip_lang
Active Member
Active Member


Female
Dami ng Post: 3544
Puntos: 780
Salamat: 2
Lokasyon: Balanga City, Bataan
Nagpatala: 2007-11-27

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 21st 2008, 7:50 pm

(1) paano mo nalaman ang KP
sa pamamagitan ni manong hulyo...sa MYB Smile

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
kasi madami mababait tulad ko hahaha
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
my home Smile
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
Aba oo.....kasi maganda ang layunin....para sa kabutihan ng nakararami
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?
(future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)

Aba eh more members....BAka tayo na ang pinaka malaking forum sa Pinas....Talunin ang BP hahaha

_________________
We are products of the past..but we should not be prisoners of it..


Back to top Go down
http://www.siliplang07.multiply.com
athena
Senior Member
Senior Member


Female
Dami ng Post: 1303
Puntos: 526
Salamat: 0
Lokasyon: bacoor cavite
Nagpatala: 2008-06-17

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 22nd 2008, 12:45 am

"sasamahan ninyo ba ako" - yes.,
hanggang sa abot ng aking makakaya.,

actually baguhan palang po ako kahit madame na po akong na post e
masasabi ko paring baguhan po ako.,pero kahit ganon.,
gagawa po ako ng paraan para makasama sa iniisip na gawin o dapat gawin ng kp.,

1.) nalaman ko po to kay bantay.,

2.) dahil po sa mga taong concern po nung nag eb.,
eb na gusto nila akong makita kahit di ako member nito.,
kaya i decided na sumali dito.,
nagustuhan ko dito e yung pag welcome nila sakin.,
madali akong naka get along sakanila.,
masayang kausap.,kasama.,
makakabuo ka dito ng isa pang pamilya.,

3.)FRIEND/FRIENDS

4.)OO naman!
syempre.,mas maganda yung may goal tong site na to'.,
di lang para sa akin.,kundi para sa lahat ng nasa kabataang pinoy.,
kelangan din nating patunayan ang sarili natin na may magagawa tayong
pagbabago.,

5.)kapag naging active yung iba pang members.,
mas magiging madali ang pag-uusapan para sa kp.,
mas madame.,mas masaya.,
tapos mas madaming activities na magagawa.,
atleast sa ganoong paraan mapapakita natin na
may magagawa tayong pagbabago.,
diba? diba?
Back to top Go down
bantay
Senior Member
Senior Member


Male
Dami ng Post: 2175
Puntos: 586
Salamat: 0
Lokasyon: muntinlupa
Nagpatala: 2008-04-18

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 22nd 2008, 3:32 pm

(1) paano mo nalaman ang KP
(kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).


nagmultiply ako, nag post, at may nakapansin.. si mark7th.. niyaya nya ako dito.. at dahil sa nakalimutang tumambay sa dating forum eee eto ako ngayon..

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

anong meron? mga usapan, relihiyon, politika.. mga wala sa dating tinatambayan ko, tambayan lang talaga ang hanap ko at hindi ko inaakalang ganito Very Happy

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

kp ay bahay, tahanan para sa mga katulad kong naghahanap ng masisilungan..

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?


oo dahil kailangan ng pagbabago.. hindi lang ikaw ang may gusto, hindi lang ako, at pati na rin ang mga nananahimik sa isang tabi..

(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?
(future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)


kung patuloy na dumami ang members at madami ang mamumulat sa tunay na kalagayan ng piipinas.. aba! gloria resign na agad ito Very Happy

at sisisihin ang mga online communities tulad ng ganito Very Happy hehe jowk lang Very Happy
Back to top Go down
http://marsdawoh.multiply.com/
kulayanmoako
Newbie
Newbie


Male
Dami ng Post: 36
Puntos: 530
Salamat: 0
Lokasyon: milky way
Nagpatala: 2008-06-13

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 22nd 2008, 6:40 pm

(1) paano mo nalaman ang KP
(kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).

-una kay mark, tapos kay ate pia at kay kuya jhuly

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

-ummm bluntly honest, i don't know. i have to figure that out yet...

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

-a community, perhaps

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?

-ummm, do whatever for the benefit of KP's members

(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?
(future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)

-i can't say now

_________________
There are no stupid questions. There are stupid people.
Back to top Go down
Jhuly
Moderator
Moderator


Male
Dami ng Post: 7509
Puntos: 1035
Salamat: 7
Lokasyon: Novaliches
Nagpatala: 2007-10-28

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 23rd 2008, 9:27 am

(1) paano mo nalaman ang KP
(kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).


Personal email mula kay PA... nuong una pa lang na ginawa ang Site (Kabataang Lingkod)

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

Forumer na ako nuon pa man... nagustuhan ko dito ay yung sinasabi nilang ang Religion at Politics raw pinagdudulutan ng maiinit na debate... hindi ko pa ata naranasan dito... ewan ko rin... maaga pa ba para magsalita?

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

Pakikisangkot.

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?


Oo. Nasa dugo ko na siguro ang pagiging organizer.
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?
(future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)


- Isang Grupo ng mga Kabataang mulat sa tunay na kalagayan ng Lipunan
- Mga Kabataang may tiwala sa kanilang mga Sarili
- Magkaka-iba ngunit nagkaka-isa

_________________
Back to top Go down
belle
Moderator
Moderator


Female
Dami ng Post: 4147
Puntos: 1050
Salamat: 7
Lokasyon: malapit sa tabi mo..
Nagpatala: 2008-02-08

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 23rd 2008, 2:23 pm

((1) paano mo nalaman ang KP
(kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).

....natisod ko kay kuya jhuly

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
.... meron makausap sa lahat ng bagay na gumugulo sa akin

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
.... outlet

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
....opo, sang-ayon ako sa mas kongretong pagbalangkas, meron kabuluhan at magandang kahinanatnan.

(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?
(future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)
....maging isa patungo sa iisang layunin.
kahit dahan-dahan lamang, kahit kaunti ang members,
buo ang samahan, maaasahan, meron compassion...

_________________

"hindi ko pa nararanasang magmahal kahit minsan" - fishball na nilalako ni manong
na paborito kong isawsaw sa maanghang at matamis c",)
Back to top Go down
BobOng Mod
Moderator
Moderator


Dami ng Post: 581
Puntos: 826
Salamat: 1
Lokasyon: Pilipinas
Nagpatala: 2007-09-09

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 23rd 2008, 7:18 pm

Para hindi kayo mahirapan Quote and Un-Quote nyo na lang ang Post ko na ito... salute


(1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).



(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?



(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?



(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?



(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)

_________________
Mabait ako... promise po.
Back to top Go down
waloako
Senior Member
Senior Member


Female
Dami ng Post: 753
Puntos: 825
Salamat: 1
Lokasyon: diocese ng novaliches
Nagpatala: 2007-09-10

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 25th 2008, 8:59 pm

(1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).

kay PA mismo.

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

may kabataang pinoy dito. hinahanap ko sila e. gusto ko silang makalakbay. gusto ko silang makilala.

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

tambayan. pahingahan. kublihan. pamilya. barkada. kaibigan. paaralan. tindahan Very Happy

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?

oo naman, di ba panukala ko to, ang rason ko anduon na sa pasakalye Very Happy

(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)

hindi ko pa masabi pero ang lawak ng pangarap ko sa KP,
babalik ako uli para sa artikulasyon ko Very Happy

_________________
Back to top Go down
http://otsopya.multiply.com/
mark_7th
Senior Member
Senior Member


Male
Dami ng Post: 2434
Puntos: 798
Salamat: 1
Lokasyon: cainta
Nagpatala: 2008-04-06

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 26th 2008, 9:13 pm

(1) paano mo nalaman ang KP
(kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).


klban ko ang internet ^^.

search? pag nanggaya ka sa isang tao ang tawag sayo plagiarism
pero pang ginaya mo dahil meron na sa karamihan ang tawag daw ay search? pero hindi ko naman nakita sa karamihan ang KP?

sa ibang paraan? sa hindi malamang kadahilaan siguro sa ibang paraan ko nga nalaman, hehehe
di ko alam kung kaibigan ko to pero si MAC ART HUR nagturo sakin ^^.


(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

bakit ako nasa KP? (ayaw nyo ba? hehehe)
anung meron sa KP na nagustuhan mo?(pano mo nasabing may nagustuhan ako dito? hehehe biro lang biro lang )

eto
eto, syempre iba dito , sino ba si BO di ba , sya nagsimula ng lahat ng
usapan dito, sa kanya nagsimula ang bobong pinoy at namunga at naging
kabataang pinoy ,ewan ko lang ha pero para sakin tinapos na ni BO ang
BobongPinoy,tungkol sa bansa natin , dapat eto naman ang pag tuunan
natin ng pansin, ang KABATAAN,dahil kabataan ang problema ba ngayun?
hehehe anu ba ang kabataan di to , dito hinahanap ko ang mga bagay na
para sakin, kung hanggang saan ako, dahil iba na raw ang kabataan
ngayun kesa nuon, dahil isa ko sa kabataang inaalam nyo, tignan nyo
nalang kung may magagawa nga ba talaga ko ? hehehe ^^.


(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

KP KP
more
ako ha,, hehehe , KP, yun nga ,gusto kong hanapin ang papel ko
,gagamitin ko ang KP bilang isang sikretong materyales upang masubok
ako kung hanggang san ang itatagal ko ng nakatayo at humihinga,


4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?


oo, sa una palang alam ko na iba ang KP sa ibang mga forum, pumasok agad sa isip ko(may magagawa ba ko?)

intiresado ko , alam ko marami akong mababahaging inpormasyon tungkol sa mga kabataan ^^.

mga expirience narin , mga nakikita tsaka pananaw ^^.


(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)

basta wag tayo mag madali,, hehehe ^^.

_________________


iLLigadong waLang magawa

www.mark7th.multiply.com
Back to top Go down
http://mark7th.multiply.com
angelbhabe
Newbie Level II
Newbie Level II


Female
Dami ng Post: 161
Puntos: 547
Salamat: 0
Lokasyon: caloocan
Nagpatala: 2008-06-12

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 27th 2008, 12:21 pm

(1) paano mo nalaman ang KP
(kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).

=> sa multiply friend n member din dito (sya ung pinakabatang member ng kp
Rolling Eyes

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

=>
Enjoy dahil madaming topics, madaming kaibigan, at nalaman ko na madami
pa din ang taong nag-iisip ng malalim at maayos. (same lng kami ng answer)
>>dahil din sa kp namulat ang aking kaisipan sa mga bagay bagay na di ko pa nalalaman..lumawak ang dating simpleng mundo
:hug 1:

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

=> isang samahan na malayang tumatalakay sa ibat ibang aspeto ng mundo,at sa malayang pag bubukas ng damdamin at kaisipan, nabubuo ang tinatawag n pagkakaibigan
cheers

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?

=>
Pabor ako oo... sana madagdagan lng ng isang activity kung san pwede tyong tumulong sa mga bata, kabataan n kapuspalad- isang charity or isang foundation sana
Very Happy

Pabor ako dahil mas madami tayong matutulungan at mahuhubog bilang maayos na tao.


(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?
(future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)

=> samahang titibay sa mahabang panahon dahil sa iisang layunin....

_________________
"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa
kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo,
wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."


http://angelbhabe.multiply.com
Back to top Go down
http://angelbhabe.tripod.com
yulei
Newbie
Newbie


Female
Dami ng Post: 44
Puntos: 733
Salamat: 0
Lokasyon: batanggas
Nagpatala: 2007-11-23

PostSubject: Re: future ng KP :D   June 30th 2008, 12:07 am

(1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).

kay waloako, sa post egroups siya naginvite, hindi naman personal, tapos nacurious ako, tsaka pag si waloako ang naginvite mukha namang may kabuluhan, dumami ang lakwatsa ko at escapades at dami ko nakikilala at natututunan, lahat yan kasalanan ni walo ako.

(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?

nagustuhan ko yung pagiging bukas ng mga tao dito na magpahayag ng kanilang mga opinyon. may kalayaan kumbaga. gusto ko ding marinig at matuto mula sa pananaw ng iba, na hindi naman kailangang yakapin ko din ang pananaw nila, kung hindi maunawaan lamang ito nang sapat para hindi ko sila husgahan ng mali at maging daan pa para sa pagkakaunawaan. alam ko din kasi na paalis na ako ng bansa at matagal pa bago ako makabalik kung babalik nga ba, nakita ko ang KP bilang ekstensyon ng pakikipagugnayan ko sa aking kapwa kabataang pilipino, KP ang nakita kong magbibigay sa akin ng pagkakataong maipagpatuloy ang paglilingkod sa kabataan kahit sa munti kong paraan kahit na nasa malayo na ako.

(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?

ang KP sa akin isang tahanan. pwede akong magpatuloy ng kaibigan o bagong kakilala, pwedeng magpahouseparty, pwedeng umiyak, pwedeng magkananay o magkatatay o magkaruon ng kapatid, pwedeng pahingahan, pwedeng lugar ng kasiyahan. madaming kwarto sa KP, at bawat kwarto may ugnayang nabubuo, may kwento ng buhay na napaguusapan, may sikretong nabubunyag, may karanasang naibabahagi.

teka hindi one word yun? pero ang one word ay TAHANAN Very Happy
bawal ba amgexplain hindi naman ata Very Happy hehehe.

(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?

oo naman, nararamdaman ko nga ang excitement all over again nuong mga unang buwan na binubuo ko ang isang dati kong org mula sa scratch. ang KP ay nagmula lang din sa scratch. pero sabi nga ng mahabang litanya ni waloako tungkol sa pinagdaanan ng KP, nakikita kong hinog na ang panahon para itulak sa mas mabungang paghuhubog ang KP. sayang naman kung mananatili lang itong basta usapan o basta batkadahan, kung pupuwedeng namang gawing kapaki-pakinabang pa, eh bakit matatakot? hindi ito magiging madali,
at nakakahiya kasi hindi ako makakatulong ng pisikal dahil wala ako sa bansa pero alam kong kahit mahirap kung may malasakit tayo sa kabataang pilipino, kayang kaya na may magawa pa ang KP higit sa nagagawa na nito ngayon, na impressive naman na talaga.

(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)

ewan ko pero pinapangarap kong makita ang KP bilang isang instrumento para makapagluwal ng mga bagong kabataang lingkod, mas madaming kabataang lingkod, mga kabataang lingkod hindi sa pangalan kundi sa gawa Very Happy

_________________
Back to top Go down
 

future ng KP :D

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Goto page : 1, 2  Next

Permissions of this forum:You cannot reply to topics in this forum
kABaTAanG pINoy :: Mahalagang Patalastas :: Future ng Kabataang Pinoy-
Post new topic   Reply to topic