| Top posters | | Jhuly (7509) | | | belle (4147) | | | gelay (3642) | | | gneth (3561) | | | silip_lang (3542) | | | mark_7th (2434) | | | Lanyag Clara (2237) | | | onid (2229) | | | bantay (2175) | | | dhayan (1656) | |
|
| Poll | | | My Presidentiable for 2010 | | De Castro, Noli | | 4% | [ 2 ] | | Estrada, Erap | | 2% | [ 1 ] | | Fernando, Bayani | | 10% | [ 5 ] | | Gordon, Dick | | 0% | [ 0 ] | | Lacson, Ping | | 14% | [ 7 ] | | Legarda, Loren | | 18% | [ 9 ] | | Panlilio, Among Ed | | 14% | [ 7 ] | | Roxas, Mar | | 6% | [ 3 ] | | Escudero, Chiz | | 24% | [ 12 ] | | Villanueva, Eddie | | 6% | [ 3 ] |
| | Total Votes : 49 |
|
| Who is Online ? | In total there are 5 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 5 Guests None Most users ever online was 24 on September 3rd 2009, 11:30 pm |
| Statistics | We have 380 registered users The newest registered user is ericksen
Our users have posted a total of 49840 messages in 857 subjects
|
| | |
| Author | Message |
|---|
waloako Senior Member


 Dami ng Post: 753 Puntos: 823 Salamat: 1 Lokasyon: diocese ng novaliches Nagpatala: 2007-09-10
 | Subject: future ng KP :D June 20th 2008, 6:59 pm | |
| First topic message reminder : mapagpalayang araw sa kabataang pilipino!
susubukan kong maging maikli ang pambungad na pasakalyeng mahalagang salik para sa pangunawa ng kalahatan kung papaanong nailuwal ang ilalatag kong panukala, panukala na nangangailangan ng inyong pagtugon, tinig at partisipasyon. maikling kasaysayan-- isa ako sa mga nakakakilala ng personal kay PA, pero irerespeto ko ang pagnanais niyang sukluban ng misteryo ang kanyang pagkatao, lalo't epektibo naman ito para siya ay talagang maging ganap na "administrator" ng KP. hehe shy lang talaga siya eh  kung sisipatin ang link na ito: http://kabataangpinoy.heavenforum.com/memberlist.forum?username=&mode=joined&order=&submit=Okmalalaman mong hehe oo nga pangatlo ako sa unang naging bahagi ng munting pangangarap ng KP. oo bansagan mo na akong romantiko o ideyalista, pero ang KP ay hindi basta simpleng lungga, o forum site. ang KP, ay isang pangarap. oo ang KP ay isa ngang pangarap.si bobong mod pala ang hindi ko kakilala, mukhang bestie ni PA, hehehe, si kuya july kasama yan sa pangangarap namin ni PA, pero, pang 21 nga lang siya eh hehehe nauna pa pala ako sa iyo master july? simple lang, kami'y mga Kabataang mayPakialam, na nagtitiwala sa Kabataang Pinoy, dahil kami mismo ay Kabataang Pinoy (kahit matanda na sa edad ang ilan pero may puso para sa kabataan, keri pa din yun). pero hindi na namin nakikita ang mga kabataang ito na nakikialam. hindi na namin nakikita ang mga kabataang ito sa mga tradisyunal na lungga sa paaralan o kalsada o simbahan, meron pa ding mga kabataan dito pero alam naming ang mayorya ng kabataan ay hindi na dito nagkukuta at naglulungga. hinanap namin sila. at nakita namin sila, na nahuhumaling sa mga virtual na mundo, kung saan nakatatakas sila kahit sandali sa reality na hinaharap nila, rpg games gaya ng dota, o mga online houses kung saan, pwede nilang malayang ihayag ang kung sino ang ideyal nilang sarili, hindi ko nilalahat, pero ito ang karamihan. sinubukan namin ni PA, na magkuta din kung saan naruruon ang kabataang pinoy... at kung makapapasok kami sa lungga nila, o makagagawa ng lunggang magugustuhan nila, kung saan papasok sila, tatambay at magpapakatotoo, malalaman namin ang kanilang mga hinaing, saluobin, pinagdadaanan, isyu, karanasan, at hanggat kaya, ay makapaglilingkod kami sa kanila sa paraang pagbibigay ng sagot sa kanilang mga katanungan, o pagiging bukas na tagapakinig, o simpleng maging kamanlalakbay nila... kaibigan, kalaro, kakulitan, kapamilya, kalakbay, kasama.
duon naipanganak ang konsepto ng KP. pero isa isa lang ang laban sabi namin ni PA. hindi namin hinangad nuon na buohin ito bilang isang pormal na organisasyon. naging masaya na kaming may mga pumapasok, may mga tumatambay, may mga nagtatagal, may mga nagyayaya pa. naging malawak ang naabot ng KP, mula sa qc, nagkaruon ng kaibigan sa makati, cainta, pasig, meron na din sa bataan, sa bulacan, sa leyte, sa cavite, at kung saan saan pang sulok hindi ko na maiisa isa, idagdag mo pa ang mga KP sa kabilang ibayo, gaya ng canada, united kindom, kuwait, at us of a o di ba! magugulat ka e pala kahit sa mars merong KP (ito joke na hehe si casp3r_07). masaya na kami dito, at masaya naman lahat dito.nagkaruon ng unang eb-- siliplang, xaviour, waloako, jhuly. itong si siliplang at xaviour ang naglapag ng suhestiyon nuon na magkaruon din ng iba pang gawain ang KP, maliban sa forum... hmmm. naisip namin nuon ang bataan day, pero dahil naging busy ang lahat at wala namang bumuo talaga ng konkretong plano ayun hindi iyon natuloy, nitong sumunod na eb, nangamusta uli si xaviour, pero ayun, madaming nagagandahan sa plano pero walang isang nagsusulong talaga na uupo at magbabalangkas nito.ewan ko, pero pagkatapos ng paguusap na ito. habang naaabala ako ng hindi umuusad na dyip. natulala ako at biglang napako ang tingin ko sa isang pananaw na naglaro sa utak ko. magiisang taon na pala ang KP! at hindi birong, lumaki lumawak at lumago na ito. nilagpasan nito ang aming ekspektasyon ni PA, at inabot nito ang aming munting mga pangarap. nakilala namin kayo. dumami tayo. napasaya namin kayo. nalaman namin ang pulso ninyo. ang mga isyung gumugulo sa inyo. at oo naging kasama namin kayo, kalakbay, ang KP ay naging isang pamilya ng hindi natin namamalayan! pero hanggang sa likod lang ba ng tayo ng mga nilikhang personalidad palaging magtatago? o panahon na para may patunayan ang Kabataang Pinoy? ang realidad ng KP. ang KP ngayon.
hindi ko makuha kung nakakailang milyon (naks) na ang naligaw sa ating pahina, hindi nalagyan ni PA ng hits counter sayang. subalit, mayruon na tayong 19166 posts na nagagawa, mahaba habang usapan din pala ang naganap, na kulitan, tawanan, at seryosong usapan para sa 432 topics na nagawa, tungkol sa napakalawak na mundo ng kabataan, mapahilig na pagkain o tugtog, isyung pampamilya at pangeskwelahan, o pang labiduds, kahit ang mga mabibigat na topic hindi nilalangaw, gaya ng relihiyon, pulitika, bayan, naku eh may nagbusiness na nga dito, sino bang nakabili ng perfume dyan? hehehe. meron na tayong total na 207 users, hellllllooooo kamusta kayo  pero sa 207 na ito, siguro naman may 30 na aktibo. (sori ako din minsan pasaway nawawala) pero kahit di nagpopost ang marami, malay natin kung nakikibasa naman sila? hindi tuloy masusukat na maliban sa marami nang naliwanagan sa ating mga post eh baka mas marami pa sa alam natin ang talagang naliwanagan nga di ba? ano ibig kong ipunto.
sa ngayon na ang direksyon ng KP bagaman meron ay hindi konkreto ay mayruon na tayong naaabot, hindi naman siguro malayong pangarapin na mas hihigit pa ang maaabot natin kung ito'y lalagyan natin ng direksyon...hmmmm ano sa tingin ninyo? napakablangko pa ng mga detalye sa utak ko, pero may maliwanag na akong nailalarawan sa utak ko ng mga posibleng maabot ng KP... pero ayoko kung magisa lang akong mangangarap ng ganito. sasamahan ninyo ba ako?ano man ang tugon ito ang mga katanungan ko---- (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)naisip ko na pag nasagot ang katanungang ito, ito ay iipunin at pagaaralan ng mabubuong STYLING COMMITTEE. ito ang komite na magiisip kung paano isasatitik ang mabubuong konkretong pananaw at misyon ng KP. tungkulin nilang isaalang alang ang naunang pangarap ni PA at ng ilang mga nauna dito sa pagbubuo ng pangungusap nila. sila ang gagawa ng mga titik ng ating misyon vision subalit, hindi absoluto ang kanilang magagawa at dadaan ito sa dalawang draft, bago ito ilabas sa buong KP, at ang buong KP ang magdedesisyon kung tanggap nila ito o hindi (ratification). sino-sino ang styling committee?hindi pa ito napagdedesisyunan ni PA, pero ibinukas ko ang paglalagay ng kwalipikasyon o karapatan duon sa mga nakasama ko sa eb, at sa lahat ng magbabasa nito ngayon sa pagnonomina ng makakasama sa komite na ito. uulitin ko ha. hindi mga leader ito mga servant leader. hindi para maghariharian pero para maglingkod hehe. sila ba'y dapat may required number of post? (lagot ako), accdg to pag join ba? (pasok ako kung ito hahaha), o yung active sa eb (haha), o mixed of those qualities. naisip ko pwede tayong magnomina, pero para fair, ibigay natin kay PA ang pagdedesisyon kung sino ang styling committee? basta sana mga 5 o anim lang ito. mahirap ang malaking grupo. timeframe.sana umabot ang lahat ng sinabi ko bago tayo maganniversary, hindi ba malaking regalo sa buong Kabataang Pinoy ang ating pagkilos at paniniwalang ang Kabataang Pinoy ay may Magagawa? basta ito ang mananatili, hindi tayo tradisyunal na organisasyon, kaya wag kayong matakot na mahirap magkita kita o magmobilisa, idedesenyo ang organisasyon ayon sa "nature" mismo ng nasimulang forum, hindi ang KP members ang makikiayon sa organisasyon, pero hanggat kaya ang organisasyon ay magiging flexible sa needs ng KP, in fact nagsimula naman sa ganito at naging epektibo ito, bakit iibahin ang format. ang nasa isip ko siguro ay mga local eb na mangyayari tapos may mga minsan isang taon na malakihang EB, hays basta, mas masaya to. ano sa tingin ninyo?
sagutin ninyo ako ha...  _________________  |
|  | |
| Author | Message |
|---|
charmskie Junior Member


 Dami ng Post: 322 Puntos: 689 Salamat: 0 Lokasyon: manila Nagpatala: 2008-01-04
 | Subject: Re: future ng KP :D July 1st 2008, 8:56 pm | |
| (1) paano mo nalaman ang KP ayun, dahil sa pakekealam ko sa kung ano anong nakikita ko sa monitor ng computer. . . actually chismosa kasi ako kaya naopen ko ung link ng KP. . . (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? mga taong maaasahan in times of hardships. . (tama ba???) actually di ko pa nmn ganong tested peo i think ganon lahat ng tao dito (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? in one word??? trueas in 22o tlga. . . no pretenders. . . (4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din? yes, coz i want this group to grow. . . to inspire more people and to encourage youth to do things that can help them know themselves more. . . (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?for us to be known worldwide(wow taas!!!)
_________________ ***wink***
|
|  | | Punong Abala Admin


 Dami ng Post: 1425 Puntos: 866 Salamat: 8 Lokasyon: Pilipinas Nagpatala: 2007-09-09
 | Subject: Re: future ng KP :D July 2nd 2008, 9:54 am | |
| Salamat sa mga sumagot na. Eto po ulit yung mga katanungan. At kung gusto nyo malaman anong pinagmulan ng questions na iyan please follow this L I N K(1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP) _________________ I don't agree with what you say, but I will defend to the death your right to say it. - Voltaire
|
|  | | inang kalikasan Junior Member


 Dami ng Post: 694 Puntos: 651 Salamat: 0 Lokasyon: nueva ecija Nagpatala: 2008-02-15
 | Subject: Re: future ng KP :D July 8th 2008, 5:07 pm | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan). naghahanap kasi ako nang kakaiba sa internet tapos bigla ko nalang napasok tong site ng kp..... (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? nugustuhan ko yung pagpapalit nang mga idea nang bawat member dito,tsaka lahat nagpapakatotoo at tanggap nila ako... (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? aking tahanan... (4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din? oo...maganda naman ang layunin ng kp.... (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)
hindi ko alam...sana lang mging daan ang kp para maging bukas ang isipan nang madaming pilipino lalo na ng mga kabataan na kailangan na ng pilipinas ng pagbabago at mangyayari lamang yun kung magtutulungan tayo.... _________________ Everything has its wonders, even darkness and silence, and I learn whatever state I am in, therin to be content. _helen keller
|
|  | | gneth Active Member


 Dami ng Post: 3561 Puntos: 572 Salamat: 1 Lokasyon: san juan city Nagpatala: 2008-07-21
 | Subject: Re: future ng KP :D August 9th 2008, 10:36 am | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan). sa mga online buddies ko sa multiply
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? nacurious lang ako nung una kung ano talaga ang KP, kasi madalas ko siyang marinig kina kuya jhuly at pia, kaya i decided to register, though medyo nahihirapan pa kong gumala dito, nakita ko yung bonding ng mga members even sa online at saka ung pagpapalitan ng mga opinyon...
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? PAG-ASA. KAIBIGAN.
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din? oo.. para mas maging matibay ang pundasyon at mapalaganap kung ano talaga ang layunin ng KP, para makatulong upang makapagpamulat pa ng mas maraming kabataan..
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP) syempre kung magtutulungan naman ang lahat ng miyembro walang impossible... sana lang talaga makatulong ang KP upang mamulat ang maraming kabataan, or kahit hindi kabataan_________________ Do not ask the LORD to guide your steps if you are not willing to move your feet. My Multiply Account |
|  | | gelay Moderator


 Dami ng Post: 3642 Puntos: 873 Salamat: 3 Lokasyon: Canada Nagpatala: 2007-11-14
 | Subject: Re: future ng KP :D August 10th 2008, 8:55 am | |
| 1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).dahil po kay jhuly
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? dahil sa mga acquaintances who became my friends.. the topics; feeling ko kasi i can express my opinion without having someone to judge me because of my own beliefs.. the atmosphere dito, lahat kasi friendly.. and also the fact na 'yung ibang members that i know are also involved with their own parish, katulad ko... basta, i feel comfortable here..
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? kp is not a place where i can go to or a person that i can talk to... yet, i find peace here..
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? eeeeeeeek.. di ko po naiintindihan 'yung tanong.. paki-explain pls.. o kaya po para mapadali, paki-translate..
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP) i have a feeling that kp will go far simply because may goal ang forum na ito besides from having friends and just chatting.. if kp runs for a very long time, i bet that it can somehow help the younger generation to embrace their lives and also be nourished mentally and spiritually... |
|  | | Jhuly Moderator


 Dami ng Post: 7509 Puntos: 1033 Salamat: 7 Lokasyon: Novaliches Nagpatala: 2007-10-28
 | |  | | misay Junior Member


 Dami ng Post: 514 Puntos: 569 Salamat: 1 Lokasyon: **pandacan** Nagpatala: 2008-07-31
 | |  | | malikotnaisipnienan Newbie


 Dami ng Post: 21 Puntos: 150 Salamat: 0 Lokasyon: kanto ng blumentrit Nagpatala: 2009-07-06
 | Subject: Re: future ng KP :D July 7th 2009, 9:59 pm | |
| 1) paano mo nalaman ang KP SI BOB ONG KSI,, KAKAHANAP KO KUNG ASAN ANG SITE NYA , D2 AQ NAPASUOT! MALI PALA AKO DHIL HINDI ATA ITO ANG SITE NA GINAWA NI BOB ONG NA D KO MALAMAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT AYAW NYANG I SHARE (HIKBI) (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? SA NGAUN, SINUSURI PA DIN NG AKING MALIKOT NA ISIP KUNG ANO MERON D2. WALA KSI MAKAUSAP S CHAT KEA WALA PO AKO MATANONG, BAKA NMN MAY TYM KAU KHIT BUOD LNG PAKI PALIWANAG PO. SA NGAUN SANA PAYAGAN MO NYO MUNA AKO MAGING SQUATTER D2 SA TAMBAYAN NYO.. (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? WLA PA PONG IDEA, AKALA KO NGA D2 MATATAGPUAN ANG MGA KABATAANG MALIMIT KO MAKITA S MENDIOLA.....WLA PA TLGA IDEA,, SOWEEEEEEEEEEE (4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din? BASAHIN KO PO MUNA TAPOS COMMENT LET AQ.. MARAMING SALAMAT S PANG UNAWA (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP) KUNG MAGANDA ANG LAYUNIN NETO,,, HMMMMMMMMMMM AT ANG LAHAT NG PAKALAT KALAT NA TULAD KO AY MAPAPADPAD D2, AT MAIINTINDIHAN KUNG BAKIT BINUO ANG SITE NA TO,, MAARING MAY MAGING MAGANDA ANG MAGIGING RESULTA NITO. KHIT NA ALAM NTIN NA HINDI NA KAYO O TAYO ANG MAKIKINABANG KUNDI ANG MGA SUSUNOD NA HENERASYON... TSAKA ISA PA PALA,, PANSIN KO LNG ....... PAG ANDITO AKO PAKIRAMDAM KO ANG GALING KO MANAGALOG,, AHAHAHAHAHA PEACE OUT GUDLUCK PO AT SANA MAKASAMA NYO AKO SAAN MAN KAU PATUNGO,,,, AT MAKATULONG AKO S PARANG ALAM KO... AMEN!! |
|  | | Punong Abala Admin


 Dami ng Post: 1425 Puntos: 866 Salamat: 8 Lokasyon: Pilipinas Nagpatala: 2007-09-09
 | |  | | malikotnaisipnienan Newbie


 Dami ng Post: 21 Puntos: 150 Salamat: 0 Lokasyon: kanto ng blumentrit Nagpatala: 2009-07-06
 | Subject: Re: future ng KP :D July 8th 2009, 4:38 pm | |
| cge po. ggawin ko ang aking makakaya para makagawa ng isang maikli at mahusay na pagpapakilala.. salamat po.. looking 4rward to meet u.. |
|  | | |
| Page 2 of 2 | Goto page : 1, 2 |
| | Permissions of this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |