makata ka pala misay maganda ang iyong naipatak dito,
may thread ka ba sa introduction? parang hindi kita nawelcome
palagi din akong wala kaya ako ang iwelcome mo haha.
1. nasagutan mo na po ba ang thread tungkol sa FUTURE ng KP?
nais kong mabasa ang iyong pananaw at kuro-kuro at
kasagutan sa mga tanong na naruon.
mahaba siya pero maganda basahin mo na din sa simula mismo
nakikinikinita kong mayaman ang iyong mga ideya.
2. ang ipinost ni PA kanina ay deliberasyong lumabas mula
sa mga sagot na ipinatak sa nabanggit kong thread sa punto 1.
himayin mo na lang ang kung ano man ang nasa 1st draft,
hindi naman ito tungkol sa kung sino ang gumawa,
hindi kasi to individual pero collective effort ^___^
subalit maganda ang iyong sinulat, tignan mo at ipagkumpara
kung parehas lamang naman ang diwa sa naunang naipatak,
tutukan ang mga salita, kung may nais baguhin mas magandang tunog,
etcetera, o kung may kulang na adhikaing hindi nasabi.
3. paalala sa lahat VISION statement ito, may MISSION statement pa
yun ang mas konkretong hakbang, hintayin nating ipublic viewing ni PA.
4. sinasagot ng pananaw ang mga tanong na, sino tayo? KP;
ano katangian natin? pinaghahalo halo ng ibat ibang kultura
pero may uniquenes; ano karakter natin? makatao, makabayan at makakalikasan.
iniwasan nang komite ang paggamit ng makaDiyos bilang paggalang sa ibang
hindi tiyak sa paniniwala dito, pero itanong natin sa mga sarili natin,
sinakop ba ng makatao, makabayan at makakalikasan ang katangian ng
pagmamahal sa Diyos? pwede naman yata, silipin natin; tapos saan tayo pupunta?
vision ng future: isang Bayang may ganap na kalayaan.
NOTED ang mga sinabi mo kasamang july,
gayahin po natin si kuya july sa pagcomment paki ibang kulay ang babaguhing term
at kung makakapaglagay ng karagdagang paliwanag maganda din.
ang mga ito ay sinummarrize sa tanong sa FUTURE ng KP na thread,
kaya galing sa assembly, at may ilang kasama sa KP na umakong maging
komiteng magiging abala sa pagrerepaso ng mga ito,
subalit ano mang magagawa namin,
ay subject for public opinion pa din mula sa lahat.
ang nasa itaas ay FIRST DRAFT ng VISION. open for public opinion in 3 days,
para sa pagrerepaso ng second draft na ipapasa uli sa kalahatan...
hinihingi po ang kooperasyon ng lahat na magkomento

haba na nito salamat sa lahat
sa iyo din misay!!!!!
*hugs*
_________________
